In a little less than a month since his inauguration, President Rodrigo Duterte has delivered on his campaign promise to go after suspected drug pushers and users with little or no regard for human rights and due process. Units of the Philippine National Police, under the command of his close associate General Ronald (“Bato”) de la Rosa, have turned many low-income neighborhoods in the country into free fire zones. The bloody encounters taking place daily have polarized the country between those who support the president’s quick and dirty methods of dealing with drugs and crime and those who regard them as illegal, immoral, and self-defeating. To date, more than 500 people had been killed in intensified anti-drug operations since the May 9 elections in which Duterte emerged as the victor. The pattern is worrisome: The police announce that drug pushers or users have been killed in an operation. Slain people are shown on television, invariably with firearms near their hands. The now routine police explanation: “The victims resisted arrest and fired on us, so we had to shoot them in self defense.” In some instances, the police story borders on the incredible. In a Pasay City precinct, for instance, two manacled suspects are shown on television being led into jail. Shortly thereafter, a policeman emerges to tell the press the father and son were shot dead inside the jail since they tried to reach for the police's pistols and had to be killed "in self-defense." The suspicious circumstances surrounding incidents like this and many others have convinced many that the killings are rub-outs by the police profiting from the illegal drug trade who are out to eliminate people who can connect them to drugs. Others wonder if this anti-drug push might not be a case of killing the small fry but protecting the big fish since there have hardly been any big-time drug lords apprehended. Whatever the causes of the wave of extra-judicial killings by police and unidentified people, the president must take responsibility for having encouraged them. Throughout his campaign for the presidency, he claimed that criminals had no rights and that they were better off dead than alive. During his victory speech in Davao on June 6, he asked people to take the law in their own hands and kill drug pushers, offering a higher bounty to people who killed suspected drug dealers than to those who brought them alive to the authorities. He has repeatedly said that rehabilitation does not work and at the solidarity dinner at the Del Pan Sports Complex on the very night of his inauguration, he told people that "If you know of any addicts, go ahead and kill them yourselves as getting their parents to do it would be too painful." To the police who follow his orders, he has said more than once, “If in the process you kill one thousand persons because you were doing your duty, I will protect you.” Fighting Drugs and Crime the Right Way Those who uphold human rights and due process have been accused of not sharing the population's concern with curbing crime. This is a lie. We do not question the goal of fighting drugs and crime. Indeed, we support it. But it cannot be achieved by trampling on human rights. No one has the right to take life except in the very special circumstance and in a very clear case of self-defense—not a police setup masquerading as “self defense.” Everyone is entitled to the right to life and its protection by the state. Moreover, denying some classes of people these rights, as Duterte does, puts all of us on the slippery slope that could end up extending this denial to other groups, like one’s political enemies or people that “disrupt” public order, like anti-government demonstrators or people striking for better pay. In this connection, we cannot forget that candidate Duterte threatened to kill workers who stood in the way of his economic development plans and made the blanket judgment that all journalists who had been assassinated were corrupt and deserved to be eliminated. That was no slip of the tongue. A Dangerous Path President Duterte's explicit, indeed boisterous denial of human rights and due process to suspected wrongdoers makes him unique among those who have served as chief executive, most of whom explicitly promised to uphold due process even if some of them deliberately violated it in practice in pursuit of their political enemies. Duterte would not, however, be as confident in his attack on the universality of human rights and the state's duty to ensure due process to suspects were he not supported in his extreme views by many if not most of those who voted for him. Duterte feels he has a blank cheque to disregard the law, and he is encouraged in this behavior by the rabid support he gets from many supporters who copy his aggressive style in expressing their views in the media. This dangerous synergy between the Leader and his followers is normalizing the denial and ridiculing of human rights and due process. And this can only lead to the erosion of the foundational belief of the 1987 Constitution: that each citizen of the Republic is endowed with fundamental, political, civil, social, economic, and cultural rights and is entitled to the protection of the law. Further the Constitution’s Bill of Rights states that: “No person shall be held to answer for a criminal offense without due process of law.” And that “In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved, and shall enjoy the right to be heard by himself and counsel, to be informed of the nature and cause of the accusation against him.” We demand that President Duterte order a halt to the extra-judicial killings and restore the rule of law and due process. We urge him to desist from inflammatory rhetoric that can only turn this country into one vast killing field where a rogue police force and vigilantes roam with impunity. But above all we ask our fellow citizens to come out and speak up for the inviolability and universality of human rights, the rule of law, and due process. These gains that our people made in their long struggle for their fundamental rights and democratic rule are under threat. Impunity should neither be made the foundation nor should it be made to serve as a "counter-balance" or "exchange" for future economic and social development. Acquiescence and silence in the face of the impunity that now reigns is the surest way to the loss of the rights of all. CCHR is a broad coalition of non-government organizations (NGOs), people’s organizations (POs), human rights lawyers, religious sector and members of the academe that came together to defend and assert human rights for all.
0 Comments
Mariing kinokondena ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN), Workers for Peoples’ Liberation (WPL) at iba pang kasaping organisasyon ng KILUSAN ang, Department of Labor and Employment (DOLE) ng gubyernong PNoy, ang lokal na gubyerno ng Valenzuela City at mga kapitalistang sina Beato Ang at Ong King Guan na may-ari ng Kentex Manufacturing Corp., sa masaklap na kamatayan ng higit 70 manggagawa nuong Mayo 13, 2014. Dumulo sa pagka-abo nang buhay ng mga manggagawang nakakarami ay kababaihan, at kinabilangan ng ilang menor de edad ang serye ng mga paglabag sa mga karapatan at pagsasamantala sa mga manggagawa. Una, ay madiing katibayan na ang gusali ay FIRE TRAP. Ibig sabihin isang gusali na sa pagkaka-layout nito ay isang tiyak na panganib kapag nagkasunog. Walang mga fire exit sa ikalawang palapag, na lugar ng trabaho ng higit na nakakaraming manggagawa . Ang iisang fire exit sa unang palapag ay hindi fire exit kundi main door! Sa katunayan, hindi dito lumabas ang sampung (10) nakaligtas na manggagawang sa halip ay sa pinto sa likod o back door. Iisa, ang hagdan paakyat at pababa mula sa ikalawang palapag. Ang mga bintana ng gusali ay may rehas na bakal, animo’y rehas ng bilangguan. Pangalawa, ang mga kemikal at iba pang materyales na health and fire hazards ay naka-imbak sa unang palapag. Walang hiwalay na bodega nito sa labas ng gusaling lugar ng trabaho. Pangatlo, walang fire drill na isinagawa kailanman sa nakaraan. Ito ay pinatunayan ng mga nakaligtas na manggagawa. Walang safety officer na itinalaga ng may-ari ng Kentex. Sa kabila nito at ng mala-cremation na sinapit ng mga buhay na manggagawa ay walang kahihiyang sinabi ni Sec. Baldoz ng DOLE na ang Kentex ay pasado sa general labor standards at sa occupational health and safety standards. Pinatunayan ito diumano sa inspeksyong ginawa ng DOLE nuong Setyembre 2014. Ang Kentex, diumano, ay binigyan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng fire safety inspection certificate taong 2014 din. Sa totoo’y walang pagsusuring ginawa ang DOLE. Ang tunay na nangyari ay self assessment ng may-ari ng Kentext, kaladkad ang company union ng tatatlumpong manggagawa. Ito ay naaayon sa Department Order (DO) 57-04 ng DOLE na nagpapahintulot sa malalaking kapitalista na may 200 o higit pang bilang ng maggagawa na gawin ang self-assessment. Sino bang kapitalista, na walang ibang layon kundi magkamal ng tubo sa pagpiga sa manggagawa, na magsasabing hindi pasado sa general labor standards ang kanilang empresa! Paulit-ulit naming kinokondina ang DOLE at gubyerno ni PNoy sa pagpapaubaya sa iilang malalaking kapitalista sa DO 57-04. Ito ay naaayon sa maka-kapitalista, laluna sa dayuhan, na tindig na mismong sinabi ni PNoy, “ Ang gubyerno ay hindi magiging balakid sa kapital, sa halip, ito ay tagapagpalago (enhancer) ng interes ng kapital”. Impiyernong kondisyon ng trabaho Bago pa ang sunog, ay impyerno na ang kondisyon ng trabaho ng mga manggagawa ng Kentex na gumagawa ng produktong tsinelas na goma (flipflops) tatak Havanas at iba pang rubber footwear. Ang kabuuang bilang ng trabahador ay mahigit 200. Ang tinuturing ng kapitalista ng Kentex na “regular” ay lampas 20 taong nagtatrabaho dito. Samantala, ang mga “casual” ay karaniwang 10 o higit pang taon sa Kentex. Ang mga “regular” at “casual” na manggagwa lamang ang tumatanggap ng minimum na sahod batay sa itinatakda ng Wage Board ng NCR. Humigit kumulang ang mga “regular” at “casual” ay bumibilang sa 80 katao o 40% ng pwersang manggagawa! Ang mga “regular” ay 15% ng ng mga manggagawa ng Kentex. Sila ang 30-kataong company union na kaladkad ng management para magpatibay na pasado ang Kentex sa labor standards and health and safety standards. Humigit-kumulang, 40 katao o 20% ng mga manggawa ay kontraktuwal na tuwirang tinanggap (direct-hired) ng Kentex. Sila ay nagtatrabaho sa batayang pakyawan o piece rate nang walang malinaw na basic pay at walang mga benepisyo. Kung ilang taon na silang kontraktuwal, tulad ng isa na 11 taon na sa ganitong katayuan. Sapagkat pakyawan o piece rate kadalasan ay kasama nila sa trabaho ang kanilang kapatid o anak, laluna kapag bakasyon, kung kaya may nasawi na mga menor de edad. Ang Kentex Inc, diumano’y pasado sa labor standards, ay pinahihintulot na magtrabaho dito ang mga menor de edad! Ayon sa mga nakausap na trabahador, ang 40% o 80 manggagawa ay agency hired sa pamamagitan ng CJC Manpower Services. Ang mga agency hired ay sumasahod ng minimum na P202/araw at may karagdagang P187-P220 daily allowance depende sa tagal sa serbisyo. Ngunit natuklasan ng mga agency hired ng CJC na hindi nito nire-remit sa SSS, Philhealth at Pag-ibig ang kapwa bahagi ng manggagawa at ng management. Nang mabisto, inamin ng DOLE na ang CJC ay hindi legal na nag-oopereyt at wala ito sa listahan ng recognized ng DOLE na Labor Agencies! Ang P202 na minimum na sahod ay lubhang mababa sa P466 na minimum wage na itinakda ng Wage Board ng NCR. Samantala ang P466 na minimum na sahod ay lubhang mababa sa mahigit P1,000 na arawang kita ng isang pamilya para makamit ang mga batayang pangangailangan. Walang pagsang-alang-alang ang may-ari ng Kentex sa kalagayan ng kanilang mga manggagawa. Ni walang maayos na bentilasyon sa loob ng pabrika na naglalagay sa kapahamakan ng kalusugan ng kanilang mga manggagawa. Isang katunayan na ang kapitalista ay walang pagkalinga sa kanyang mga manggagawa na siyang lumilikha ng yaman para sa kanya. Samantala, ang P5,000 na ipapatong sa P8,000 na katumbas sa kalahati ng buwanang sahod, na tulong para sa pamilya ng mga manggagawang namatay ay hindi sasapat at hindi makatwiran at makatarungan. Masalot na insult ito sa mga naulila laluna kung isasaalang alang ang napakalaking kita at tubo na piniga ng mga may-ari ng Kentex sa pagtatrabaho ng mga nasawi sa loob ng ilang taon. Ang pagka-abo ng higit sa 70 manggagawa ng Kentex ay malagim na paalala sa sinapit ng 17 empleyado ng Novo Jeans and Shirts na nasawi nang masunog ang department store nito sa Butuan City. Buwan din iyon ng Mayo, 2012. Ang mga biktima ay stay-in na manggagawa na natutulog sa dormitoryo sa ikatlong palapag. Ang limang nakaligtas ay nasaktan din sa kanilang pagtalon mula sa ikatlong palapag sapagkat ang dormitoryo ay naka-padlock mula sa labas upang maiwasan daw ang pagnanakaw ng mga manggagawang pinasasahod lamang ng P160 sa pagtatrabaho nang 12-14 oras sa bawat araw nang walang overtime pay. Sapagkat sila’y kontraktuwal. Hindi lamang dito sa Pilipinas nangyayari ang ganitong kalunos-lunos na sinasapit ng mga manggagawa. Sa iba’t ibang panig ng mundo ay mayroong mga manggagawang nagbubuwis ng buhay sa ngalan ng tubo para sa mga kapitalista. Hindi nga ba’t nitong Abril lamang ay isang ginagawang planta ng semento sa Bangladesh ang gumuho na ikinasawi ng 5 at kinasugat ng marami pang construction workers sa Bangladesh. Iyon ay alingawngaw ng tulad na sinapit ng 2 nasawi at 11 nasaktan na construction workers nang gumuho ang bahagi ng ika-7 palapag ng ginagawang gusali sa Bonifacio Global City, Taguig City; Pebrero 2015 lang ito. Ito ang mukha ng kapitalismong itinataguyod ng gubyerno. Ang disensyong neo-liberal ng imperyalistang globalisasyon na nagbibigay ng higit kalayaan sa mga kapitalistang magkamal ng tubo habang isinasadlak ang mga manggagawa sa kadusta-dustang kalagayan. Dagdag na madiing insulto sa mga manggagawa na ang naka-abang na trahedya ay naganap sa MAYO, buwan ng manggagawa ng buong daigdig. Kaisa ang KILUSAN sa pakikiramay sa mga pamilya, kaanak at kaibigan ng mga manggagawang namatay sa sunog sa pabrika ng Kentex noong Mayo 13. Kaisa nila kami sa pagsigaw ng katarungan. Mahigpit naming kahilingan na: 1. Panagutin ang mga may-ari ng Kentex, ang DOLE at Panguluhang Noyboy Aquino at lokal na gubyerno ng Valenzuela sa kriminal na paglabag sa mga karapatan at kaligtasan ng mga manggagawa na tulak ng DO 57-04! 2. Agad na ipawalang-bisa ang DO 57-04! 3. Kasama ang mga manggagawa, isagawa ang mahigpit na imbestigasyon at pagsusuri sa bawat empresa na may mula 200 at higit pang bilang ng manggagawa! 4. Katarungan para sa mahigit 70 manggagawa at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga may sala at makatarungang bayad-pinsala sa mga pamilyang naulila! Manggagawa magkaisa at lumaban para sa kapakanan at kalayaan natin at ng buong mamamayan! Ibasura ang mga patakarang neo-liberal na nagbibigay ng higit na kalayaan sa kapital at may-ari ng kapital! Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN) Workers for Peoples’ Liberation (WPL-MAKABAYAN) May 18, 2015 Higit na mapaminsala ang resulta ng operasyong pumatay sa teroristang si Marwan (Sulkifli bin Hir) kaysa sa pagpapasabog ng bomba ng mga terorista. Maliban sa malagim na pagkamatay ng 44 SAF commandos, 18 tauhan ng MILF at 7 na sibilyan, ikinumpromiso nito ang peace process sa Maguindanao- Sulu. Nauga ang buong makinarya ng estado sa magulong resulta ng top secret operation laban sa dalawang high value targets. Naiwang nangangapa sa dilim kahit na ang dalawang acting chief ng PNP, chief of staff ng AFP, kalihim ng Interior and local governments, at ang kalihim ng national defense. Nakatutok ang US Lumilitaw sa imbestigasyon na hindi kontrolado ng Pangulo at ng pinakamatataas na kumander ng AFP at PNP ang kaganapan nuong umaga ng Enero 25. Walang tigil ang pag-ukilkil ng katanungan sa nangungunang papel ng US sa operasyon—mula sa pagngangalap ng paniktik, pagpopondo, hanggang sa aktwal na eksekusyon. Patuloy mang itinatanggi ito kapawa ng pamahalaang PNoy at gubyernong US, natutunton ng balita kahit ang sikretong opisina ng tropang paniktik ng US na nakatutok sa operasyon. Iba pa ito sa mga nakahayag at nakalihim na lokasyon sa Mindanao, Sulu at Palawan na mula 2002 ay nakaistasyon na ang tropang Kano— mga abanteng pwersa ng Asia Pivot ng US at bantay sa ekonomikong interes nito sa Pilipinas at sa rehiyong Asia-Pasipiko. Hindi maitagong internal na tunggalian Bilang neokolonya, hinubog ng US ayon sa kanyang interes at disenyo ang lokal na makinarya ng paghahari sa Pilipinas. Pinopondohan, inaarmasan at sinasanay nito ang security forces ng bansa. Subalit pinahihina ang paghahari ng iilan sa higit na nakararaming mamamayan ng likas na panloob na kontradiksyon at tunggalian para sa kapangyarihan, at sa pakinabang na nagmumula dito. Higit na hayag ngayon ang trahedya ng kahinaang ito, ngayong iniimbestigahan ang sentro at mga haligi ng kapangyarihan ng estado ng sarili nitong law making bodies. Karaniwan nang larangan ang mga pagdinig sa dalawang kapulungan ng Kongreso ng wala sa katwirang gitgitan sa makikitid, personal, parokyal at pampartidong interes at ambisyon. Tumindi pa ito sa mga pagdinig sa insidente sa Mamasapano. Kalamansi sa sariling likhang sugat at maaaring lumala, hindi malayo na humakbang ang presidente, ang AFP at ang PNP para iligtas ang estado sa sarili nito at mula sa mga “terorista” at “mapanggulo.” Malinaw ang suhestyon ni Sen. Miriam Santiago kay Defense Sec. Voltaire Gazmin sa Senate hearing, Pebrero 12: Arestuhin ang mga nagpapakana at nagpaplano ng kudeta laban sa gubyerno. Digmaan o Kapayapaan Dapat managot ang Pangulo, ang mga opisyal ng AFP at PNP, at sa kasong ito, ang MILF sa masaklap na pagkamatay ng 44 na law enfocers at iba pang biktima. Kwestyunable ngayon ang peace process na itinutulak ng gubyerno at ng MILF. Nagsisimula pa lamang ang deliberasyon sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), ang organikong batas ng Bangsamoro Political Entity nang pumutok ang insidente. Natigil ang deliberasyon dito ng Kongreso habang umuusad ang imbestigasyon. Sinuhayan ng Mamasapano incident ang duda sa sinseridad ng MILF sa peace process at anti-terorismo. Nabuhay ang mga ultra-reaksyunaryong pananaw sa paglutas sa kaligaligan sa Mindanao. Pinaka-reaksyunaryo rito ang sektaryan at sobenistang pagtingin sa mamamayang Moro. Iniangat nito ang panawagan ng total war at ang pagtanggi sa anumang paraan ng mapayapang solusyon. Patuloy na idinedeklara ng gubyerno, ng AFP, PNP at ng MILF na hindi mahahadlangan ng mapait na insidente ang prosesong pangkapayapaan. Nasa kongreso na ang susi sa pagkumpleto ng prosesong ito—ang pagsasabatas ng BBL. Pero maliban sa implikasyon ng Mamasapano tragedy, batayang hadlang sa BBL ang Konstitusyon, laluna kapag igigiit ito ng Kongreso o ng Korte Suprema. Kamakailan, nangako ang liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso na tatapusin nila ang kanilang trabaho ukol dito “nang may kinakailangang mga amyenda,” at tiyak na hindi sa orihinal na itinakdang panahon. Nagpahiwatig si Sen. Santiago sa pagdinig sa senado na sinisikap nilang iakma sa Konstitusyon ang ilang probisyon ng BBL. Nagtanong din si Sen. Ralph Recto kay Mohagher Iqbal, chief ng negotiating panel at chair ng Bangsamoro Transition Commission kung tatanggapin ng MILF ang BBL kahit may mga mayor na amyenda. Sinagot ito ni Iqbal ng “oo, basta’t hindi ito sobrang pinalabnaw (watered down).” Pero sa kanyang pahayag nitong Pebrero 16, na hindi nila tatanggapin ang anumang pagbabago sa BBL. BBL at ang inhustisyang ugat ng kaguluhan Laman ng orihinal na draft ng BBL ang masasalimuot na usapin ng paglilimita ng kontrol ng pambansang gubyerno sa awtonomya sa Mindanao-Sulu. Higit nitong pinaluluwag ang paglinang at paggamit ng dayuhan sa likas yaman ng lugar na ito. Kaya interesado dito ang US at mga korporasyong multinasyunal. Habang naghahabol ang pamahalaan at ang MILF sa pagpapasa ng BBL, patuloy na ginagapos ng pangamba ang mamamayang Moro at hindi Moro. Mawawakasan na kaya ng BBL ang pinag-ugatan nitong inhustisya? Magaganap na kaya dito ang tunay na kapayapaan? Hindi humuhupa ang mga agam-agam; nananatiling kubkob ng takot ang mga biktima at kanilang kaanak, sa isang siglo na nang karahasan at pagdanak ng dugong nag-umpisa sa pagsalakay at pagkolonisa ng US sa bansa nuong 1898. Nakapagngingitngit na mapabilang pa ang 44 SAF, ang 18 MILF fighters at 7 na sibilyan sa napakahaba nang listahan ng kaswalti sa gera sa Sulu at Mindanao. Pero, sadyang makakamit lamang ang hustisya para sa lahat ng mamamayan kapag nagpasya silang kumilos nang sama-sama para sa resolusyon ng pinag-uugatan ng digmaan at ligalig-- kasama na ang mahigpit na pagtutol at pagtuligsa sa patuloy na panghihimasok ng US sa mga panloob na pambansang usapin na yumuyurak sa pambansang soberanya at lalo pang nagpapalubha sa panlipunang mga gusot. Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN) Pebrero 17, 2015 HUMAN RIGHTS DAY PROTEST sa Baguio, GINULO
“Peke! Peke ! ITIGIL NYO YAN!” at dirty-finger signs mula sa CPP/NPA/KM Jim Pag-a Tagumpay ang Human Rights Day Protest sa Baguio sa kabila ng panggugulo ng CPP/NPA/Kabataang Makabayan. Nagmartsa-protesta ang mga militante at iba pang progresibong organisasyon ng mga estudyante at kabataan sa Baguio para sa Ika - 63 anibersaryo ng pandaigdigang araw ng karapatang pantao noong Disyembre 10, 2011. Kasama ng KPD (Kilusan para sa Pambansang Demokrasya) – North Luzon ang CADUA Students Party at UP Baguio University Students Council. Dala ng mga organisasyong ito ang kampanyang “OCCUPY for our RIGHTS” para sa makataong pamumuhay. Nanawagan ang mga nagprotesta ng pagkakaisa para itulak ang gobyernong Aquino na tumindig sa panig ng mamamayan at itigil ang pribatisasyon ng edukasyon at kalusugan, kontraktwalisasyon sa hanay ng manggagawa, talamak na pagmimina, logging at liberalisasyon ng agrikultura at pangisdaan. Habang papalakas ang pagsigaw ng “OCCUPY, OCCUPY, OCCUPY for our RIGHTS”, lumitaw sa likod ng mga militante ang di- abot 15 kataong nakahawak ng bandila ng CPP/NPA/NDF. Sa gitna ng sigaw para sa karapatan sa TRABAHO, PAGKAIN, PABAHAY,KALUSUGAN at EDUKASYON, umeksena ang grupong CPP/KM/NPA ng sigaw ng REBOLUSYON, IPAGPATULOY ANG DIWA NI KA ROGER at mga panawagan sa mga kabataang MAG-ARMAS habang ang ilang miyembro nila ay nagpinta ng VIVA CPP-NPA sa gitna ng mapayapang protesta. Naging tensyonado ang sitwasyon dahil inakala ng mga pulis na kasama ng KPD at UP ang grupong ito. Sumandaling huminto sa martsa ang Occupy marchers habang hinahabol ng mga pulis ang mga kabataang nakamaskara. Matapos madisperse ang KM/CPP/NPA group, nagpatuloy sa martsa ang mga militante at tuloy-tuloy sa pagpapaliwanag kaugnay ng diwa ng Kilusang Kami ang 99%. Sinalubong ito ng mga kasamang MAKABAYAN vendors sa Magsaysay Avenue bilang suporta. Nagpatuloy ang protesta subalit muling nagkaroon ng tensyon ng sumigaw ng “PEKE-PEKE, ITIGIL NYO YAN, MGA WALANG KWENTANG UP!” ang limang myembro ng Kabataang Makabayan na noon ay nakapwesto na sa Maharlika-Tiongsan Overpass. Nakunan ng TV Patrol Northern Luzon ang mga nanggugulong kabataan habang naka-dirty-finger sign at patuloy sa pagsigaw g PEKE sa grupong Occupy ng KPD. May ilang bahagi rin ng KM/CPP/NPA group ang muling nag-dirty-finger sign noong makarating sa Harrisson Road ang grupong KPD/OCCUPY. Mariing kinundena ng KPD at ng UP Student Council ang nasabing panggugulo. Nakilala ng UP Student Council contingents ang ilan sa mga nanggulo na mga LFS at ANAKBAYAN members ng UP at sila ring mga masugid na nanggugulo sa mga proyekto at pagkilos ng UP Student Council, na nagkataong hindi mula sa mga pinatakbo ng ACS, ang Student Party ng Anakbayan sa UP. Hindi maiiwasang magkaroon ng kalituhan ang mga masang nakasaksi sa naturang pangyayari. Nagkaroon ng pagkakataon ang KPD na makapaglinaw kaugnay ng pangyayari nang maimbitahan ito sa “Naimbag Nga Morning Kapamilya,” local morning TV program ng Channel 2. Nagkaharap dito si Jim Pag-a at isang kinatawan ng Anakbayan. Kapwa tinanong ang dalawa kaugnay ng naging kaganapan sa HR Rally. Itinanggi ng Anakbayan na kasamahan nila ang KM/CPP/NPA na nanggulo, subalit sa palitan ng tanungan, magpapaliwanag sila kung bakit karapat-dapat tawaging PEKE ang KPD. Hindi daw kasi nito diretsong maatake si Pnoy. At sa pagsasabi raw na may mga LFS/Anakbayan na kasama sa grupong CPP/KM/NPA na nanggulo sa rally. Hindi na raw, kung ganun, naiiba ang KPD sa mga bayarang ahente ng AFP. Sa bahagi ng KPD, hinamon nito ang lahat ng nagsasabing progresibong kilusan sila ng mamamayan na umayon sa layuning abutin ang kaisahan ng nakararami o ng 99% kaysa maghasik ng panghahati at panggugulo. Dagdag pa ng KPD, dapat respetuhin ng ibang political block ang kilusan ng mamamayan sapagkat hindi ito kailanman magiging pag-aari ng isang organisasyon o ng iilan lamang. Dagdag pa ng grupo ngayon higit kailangan ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba upang mapuspos ang pagbabago. Naniniwala rin ang mga militante na hindi kailanman magiging solusyon sa malalang paglabag sa karapatang pantao ang mga reporma ng gobyernong Aquino, dahil ito ay panakip butas lamang sa pagkaganid ng kapitalismo. ### Ipaglaban ang Karapatan sa Pagkain, Pabahay, Trabaho, Kalusugan at Edukasyon!
Tayo ang 99%! Sa halos lahat ng panig ng mundo, mainit ang paglaganap ng pagpapahayag ng mamamayan ng kanilang pagtutol sa kasalukuyang umiiral na inhustisya sa sistemang panlipunan at pang-ekonomikong hindi pagkakapantay-pantay ng mamamayan, mataas na antas ng kawalan ng trabaho, korapsyon, kasakiman, pang-aapi at eksploytasyong dulot ng kapitalismo at hindi marapat na impluwensya ng mga korporasyon sa pulitika ng bansa. Mula sa Occupy Wall Street (OWS), isang kilusang nabuo mula sa lakas ng masang nagsimula noong September 17, 2011 sa Liberty Square, sa financial district ng Manhattan, ay kumalat sa mahigit na isandaang lungsod sa Estados Unidos at malawakang pagkilos ng masa mula sa mahigit isanlibo at limandaang lungsod sa walong daang bansa sa buong daigdig. Ang OWS ay naglalayong labanan ang kapangyarihan ng mga bangko at multinational na mga korporasyon sa demokratikong proseso ng bansa, at ang bahaging ginagampanan ng Wall Street sa pagkakaroon ng pagguho sa ekonomiya, na nagdulot ng pinakamalaking resesyon sa bansa. Ang kilusang ito ay humugot ng inspirasyon mula sa mga rebolusyong naganap sa gitnang silangan, partikular sa Egypt at Tunisia, at naglalayong labanan ang pinakamayamang 1% na gumagawa ng mga batas at polisiyang hindi makatarungan para sa mga mahihirap, at sa nalalabing 99% ng populasyon. Ang isinisigaw ng masang "kami ang 99 %" ay tumutukoy sa agwat kung saan ang yaman ng isang bansa ay nakakonsentra sa mayamang 1% at ang natitira ay sa masang 99%. Ang mga protestang nagaganap sa iba't ibang bahagi ng mundo ay naglalayong magkaroon ng pagbabago sa nabubulok na sistemang kapitalismo. Sa Estados Unidos lamang noong 2007, ang pinakamayamang 1% sa kanilang populasyon ay nagmamay-ari ng 34.6% ng kabuuang yaman ng bansa, at ang susunod na 19% ay namamay-ari ng 50.5%. Samakatuwid, ang pinakamayamang 20% ng Estados Unidos ay nagmamay-ari ng 85% ng yaman ng bansa at ang masang 80% ay nagmamay-ari ng 15%. Subalit pagkatapos ng Great Recession na nag-umpisa noong 2007, lumobo ang bahagi ng mayamang 1% sa yaman ng bansa, na nagdulot ng lalong paglayo ng agwat ng mayamang 1%. Bago pa man sumambulat ang "Occupy Movement," ramdam na natin ang krisis na dulot ng sistemang kapitalismo sa lipunang Pilipino. Sa NCSB (National Census and Statistical Board) - CAR latest report (2009 data), napakalayo pa natin sa pagkakamit ng mga itinakda ng 2015 Millenium Development Goals o MDG. Ang per capita income ay P 44.16 kada araw, kalahati lamang ng naitakdang international poverty threshold na P 80/day o $2/day. Patuloy na lumalaki ang poverty gap: 4.8 (2009) kumpara sa 2.1 target sa 2015. Lumalala ang problema ng akses sa edukasyon, sa 100 pumasok ng Grade 1, 64 lamang ang nakakatapos ng Grade 6. Tuloy-tuloy ang taas ng matrikula at patuloy ang budget cuts sa state colleges and universities gaya ng UP. Ang mga "pinalad" na makagradweyt ay bumabagsak sa call centers, malls o di kaya'y sa walang katiyakang trabaho sa labas ng bansa. Kalunos-lunos din ang aspetong pangkalusugan. Napakataas ng maternal mortality rate sa CAR - 79% kumpara sa target na 24.8% sa 2015. Tumaas din ng 5 ulit ang mga sakit na nakukuha sa pagkain at tubig. Patuloy ding binabagabag ng posibilidad ng demolisyon ang mayorya ng residente sa Baguio City na walang sariling tirahan. Lumulobo ang bilang ng informal sector o yaong walang tiyak na hanapbuhay. Mahigit 5,000 libo ang bilang ng vendors sa lunsod, gaano man naisin ng pamahalaan na pababain ito o pigilan ang paglaki sa pamamagitan ng kung anu-anong ordinansa. Ilan lamang ito sa mga dahilan ng ating pakikisimpatiya sa Kilusang Kami ang 99%! Bilang bahagi ng 99% sa ating bansa, ang Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya (KPD) ng Baguio City, kasama ang iba't ibang grupo at organisasyon ng mga estudyante't kabataan, manggagawa at mala-manggagawa, magbubukid, kababaihan at mga propesyunal, ay nagpapahayag ng pakikiisa sa laban ng buong daigdig upang igiit ang karapatan ng bawat mamamayan para sa hustisyang pang-ekonomiya at panlipunan. Sama-sama nating isigaw ang ating lehitimong karapatan na matagal ng ipinagkakait sa atin. Wala ng iba pang magtatanggol sa atin mula sa ganitong kaayusan ng lipunan kundi ang ating mga sarili. Ang ating bilang ang ating lakas at sandata laban sa mga nagsasamantala. Milyun-milyon sa Pilipinas lamang ang buhay na winawaldas ng kapitalismo. Sa gitna ng napakaunlad na teknolohiya na lumilikha ng sobra-sobrang produkto at kapital ay patuloy na pagdarahop, kasalatan at kawalang katiyakan ang dulot sa 99% ng sangkatauhan! Sa patuloy na sumisigaw ng katarungan, sa mga nagdurusa sa paghahanap ng trabaho, sa mga manggagawa at empleyadong tig-lilimang buwan lamang ang trabaho, sa mga magulang na halos igapang ang pagpapaaral sa kanilang mga anak, sa mga mamamamayang nababaon sa mga utang sa bangko, sa mga nangangamba kung paano magkakaroon ng pagkaing ihahain sa hapag-kainan, sa masang anakpawis na walang akses sa matinong pagamutan at serbisyong pangkalusugan, sa mga nakakapasok ng kolehiyo ngunit nagiging drop outs, sa mga matagal nang walang sariling tirahan at palaging may demolisyong nakaamba, sa mga propesyunal na mabilis na dumadausdos ang katayuan sa lipunan, sa mga vendors na laging nakikipaghabulan sa pulis para isalba ang kanilang mga pwesto at paninda, sa mga drivers, construction workers at lahat ng nabubuhay sa para-paraan, sa mga gradweyts na napapabilang lamang sa milyon-milyong walang hanapbuhay, sa mga empleyado ng gubyernong nakaambang mawalan ng trabaho dahil sa austerity measures, sa mga guro at government retirees na walang makuhang kagalang-galang na retirement benefits, sa mga negosyteng patuloy na nababangkrap ... TAYO ANG 99%! TAYO ang bumubuhay sa lipunan! Sa ating pawis nagmumula ang superganansiya ng natitirang 1%! Tayo ang lumilikha ng yaman subalit tayo ang walang katiyakan ang buhay at kinabukasan! Isulong ang Kilusang "Kami ang 99%!" Ang ating bilang ang ating tanging lakas at sandata! Kamtin natin ang yamang tayo ang lumikha at dapat ay sa atin! Isulong ang hustiyang pang-ekonomya at panlipunan! Likhain ang lipunan at sistemang kakalinga sa higit na nakararami! Occupy Movement Baguio-Benguet/Kilusang Kami ang 99%: KPD UP Baguio Student Council CADUA - UP Serve - Net Kaisa Ka Baguio Women Grassroots Vendors Association YELL and OCCUPY! (Youth Environment League for Green Occupation) Teatro Linnaaw KILUSANG OCCUPY sa Baguio, INILUNSAD
Jim Pag-a, KPD NL Secretary General Baguio city – “Occupy for Rights to Food, Jobs, Shelter and Education!” Ito ang sentro ng panawagan sa inilunsad na pagdiriwang ng ika-63 anibersaryo ng International Human Rights Day. Nilahukan ito ng Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya kasama ang UP Baguio Students Council, CADUA (UP Students Party) at iba pang progresibong youth organizations sa UP Baguio. Ang nasabing aktibidad ay paglulunsad ng Kilusang Occupy sa Baguio City. Ayon sa mga organisador ng Kilusan, simbolo ito ng pakikiisa sa panawagan at adhikain ng Kilusang Kami ang 99% o Occupy Movement na sinimulan ng Kilusang Occupy Wall Street. Naniniwala ang KPD NL na ang kasalukuyang sistema ay mapaniil ng buhay, mapangwasak ng produktibong pwersa at mapanira ng kalikasan. Sapat na mga batayan ito upang ilunsad ang Kilusang Occupy, hamunin ang kasalukuyang sistemang kapitalismo at bigyang daan ang pagpasok ng panibagong sistema na magsasaalang-alang sa interes ng nakararami o ng 99% ng lipunan. Ang epekto sa Baguio ng walang katapusang kontraktwalisasyon sa hanay ng manggagawa, demolisyon sa mga street vendors at squatters, budget cuts sa mga serbisyo publiko gaya ng edukasyon at kalusugan, malalang pagmimina, malalang dislokasyon at displacement dulot ng kalamidad at disaster, ay ilan lamang sa mga direktang karanasan ng mamamayan ng Baguio. Ito ang mga buhay at kamatayang dahilan upang makaugnay sa mga panawagan ng Kilusang Occupy. Ayon naman sa mga lider estudyante at ng UP Student Council, ang kanilang layuning magsilbi sa nakararaming estudyante ang kanilang motibasyon sa pagsama sa nasabing pagkilos. Layunin ng grupong maimulat ang masang estudyante sa lumalalang kalagayan ng mga kabataan sa bulok na sistemang pang-edukasyon sa bansa. Naniniwala rin silang ang mga usapin ng mga manggagawa at produktibong pwersa ng daigdig ay mga usaping kagyat nilang haharapin paglabas ng paaralan. Sa diwa ng Kilusang Kami ang 99%, tuloy-tuloy ang ugnayan ng KPD, Youth for Nationalism and Democracy at CADUA Students Party ng UP-Baguio sa layuning mapalakas ang panawagang Occupy at kampanya para sa malayang edukasyon at karapatang pangkabuhayan. Hinamon ng grupo ang pamahalaang Aquino na tahakin ang ipinangako nitong tuwid na daan at unahin ang pambansa demokratikong interes ng mamamayan. ### Fight for Democracy! Struggle for Justice for Victims of Political Killings, Forced Disappearances, and Torture! Political repression knows no bounds. Last December 10, 2010, on the very day of commemorating the 62nd year of the Universal Declaration of Human Rights, human rights defenders themselves became victims of repression. Human rights activists in Bataan and Zambales gathered separately on that day to reaffirm their commitment, review the state of human rights in their provinces and map out plans of action for the promotion and defence of human rights. Elements of the PNP in both provinces disrupted their peaceful gathering. In Bataan, intelligence operatives of the 303rd Provincial Mobile Group, headed by a certain Police Officer Gamboa, forced themselves into the gathering and took pictures of the conference participants. The disruption interfered with the planned activity for the day. Meanwhile, in Zambales, armed elements of the Zambales PNP also gate-crashed into the Zambales gathering. Later they tried to stop the torch parade for human rights by grabbing placards and blocking the road. But the persistence of the human rights defenders foiled the harassment but nevertheless the police elements have displayed utter disregard of the freedom of assembly and expression. Both incidents underscore the prevailing state of human rights in most provinces in the country. Despite government pronouncements of its adherence to democracy, political repression reigns and the climate of terror persists. Communities known for active political engagements are subjected to continuous harassments, in various forms and manners. The more common, among others, include -- arbitrary police/army demands or “invitations” on individuals to report to the camps; security forces’ demands for accommodation into private homes at night time; mobile army or police teams announcing names of barrio folk in their “order of battle”; the unending receipt of letters with enclosed black ribbon or bullet; and, announcement of intended “visits” to homes of leaders of people’s organizations. Such threats and intimidations, which are almost daily occurrences, continuously refresh the reign of terror from 2001-2007 marked by widespread extra-judicial killing and forced disappearance, illegal arrest, detention and torture of activists and other politically active individuals that included journalists, lawyers, doctors, priests, pastors, a Bishop and a host of leaders of cause-oriented mass organizations. Not one of these cases is yet solved and the perpetrators are roaming freely. These are despite the shelved findings both by the Melo Commission and the Special UN Raporteur, Philipp Alston that there are strong grounds to indict, for multiple extra-judicial killing, the notorious, now retired and free, former party list congressman and defeated 2010 senatorial candidate, Gen. Jovito Palparan and his “special” unit. Though Palparan retired, but after being given special honors by Gloria Macpagal-Arroyo in her 2007 state of the nation address (SONA), the killings continued. The honors given the notorious general signified extra-judicial political killing, forced disappearance, illegal arrest and torture were state policies. The killings, enforced disappearances, illegal arrests and torture persisted until August 2010 as far as documented cases in Central Luzon cite. Among the recent killings the more staggering were the killing of arrested two suspected rebels in Bataan on May 2, 2009 and subsequently the theft of their entombed cadavers in the early morning of November 11, 2009. On June 2, 2010 three siblings, the Milaflores brothers, were picked-up and killed in Candelaria, Zambales and were passed off as rebels killed by the PNP Provincial Mobile Group personally commanded at that instance by Zambales PNP Provincial Director, Col. Rafael Santiago. Over one month after the inaugural of Noynoy Aquino 5 suspected rebels were arrested in San Fernando, Pampanga on August 3, 2010 and tortured by the arresting unit, the Pampanga PNP Provincial Mobile Group under the command of Col. Mudzgani Mukaram. Later on August 19, 2010 a young man of Guagua, Pampanga who had been a political activist was abducted. With this nightmarish backdrop, the continuing threats and harassments done almost at will by the military, police and other state security forces constitute continuing repression of the people’s political and democratic rights. Most excruciatingly these cause lingering and protracted mental and psychological torture not only of individuals but of whole communities. The mere but prolonged presence of combat forces of both the military and police that indiscriminately establish detachments inside areas of residence and places of economic and social activities such as markets, barangay halls, chapels and school premises not only keep the reign of terror present but constitute continuing state repression of the people. The climate of fear gripping the people underscores there is no freedom, no democracy. Fear instilled on the people by the AFP, PNP and other state security forces reduce the people to passively bear the trampling of their democratic and political rights and never speak out even their just and legitimate grievances and demands. It is of great historical irony that these are happening under a new administration that has repeatedly proclaimed “respect for human rights” and advocacy for democracy. These are but empty pronouncements and bloody insult on the victims, their organizations and communities who have been longing for justice. These are meaningless until justice is rendered to the victims and the people with the prosecution and punishment of perpetrators. We call on the people, direct and indirect victims of repression alike, to unite on the cause for justice and democracy. We call on everyone concerned with upholding the democratic and political rights of the people to give support to the victims. Let us put up the challenge especially before the civilian government, legal and judicial authorities and particularly before the President of the Republic, being also the commander-in-chief, to exercise the principles of “people’s sovereignty”; “justice, freedom and democracy”; and, “civilian authority over the military”. Let us also put the challenge before the military and police institutions to subscribe to these principles. Let us, in various forms of actions, air and pursue certain urgent demands such as:
|
Categories
All
|